Maalaala Mo Kaya Archives - Page 2 of 3 - The Chronicles of Norris Skip to content

Bitter Ocampo

(Image taken from pak-shet.blogspot.com)

Pa’no kung ang ex mo (na bitter ka pa rin after 48 years) at ang crush mo ay naging mag-on?

Okey, wala pa naman akong nakukumpirma at ayoko naman ng i-confirm pa pero the fact that my ex and my crush are friends on facebook ay sobrang nakakasakit ng ulo at puso. Oh yes…kahit sabihin mong “Malay mo naman, sa fb lang sila friends.” or “Friends naman na talaga sila before kang umeksena kaya huwag kang OA please.” ay hindi ko pa rin matanggap na nakikita ko sila sa iisang web page. This is madness! Hahaha!

I know it all boils down to...well...me not being able to let go. Kung iisipin nga e syet, it’s been years. Tandang-tanda ko pa no’ng sinabi ng professor namin do’n sa Mental Hygiene: “If you haven’t moved on daw after 2 years there’s probably something wrong with you.” F na f (as in feel na feel) ko pa naman ‘yang i-advise sa mga friends kong hirap mag move on e bigla pala akong matatamaan to the point that I wanna play “It’s all coming back to me now” by Celine Dion. Okay lang naman sigurong kay ex nagmamapait. Pero hindi e, si crush (na ex-crush ko na by the end of this post) kasi e minsang pinaramdam na crush niya rin ako. It just didn’t work out for us. Hahaha! Punyeta, ang landi ng post na ito.

Bothered lang ako na baka yung ginagawa naming mga kaartehan a.k.a. memories noon e conversation topic na ngayon. Praning lang. (Importante ka ba, Norris?) Haha!

Hindi pa confirmed kung meron silang something.  Basta ang confirmed e Bitter Ocampo ako ngayon. Bye. =))

Napag-usapan namin ni Kat (kaklase ko nung grade 1) kanina yung mga tungkol sa mga alamat at kung anu-ano pa. Sabi niya sa facebook status niya, kung totoo raw yung alamat ng Mangga o Lansones e baka naging prutas na siya. Hindi ko na matandaan kung nakuwento ba sa akin yung alamat na yun o sadyang nakalimutan ko na. Kaya tinanong ko siya.

Ayon sa naaalala niyang kuwento sa kanya, tungkol yun kay Mingga. Sobrang bait ni Mingga at isang araw ay nagkasakit siya. Nagtataka na ang mga taga-nayon kung bakit hindi na naglalalabas ng bahay si Mingga. Tapos may tumubong kakaibang puno. May bunga. Tapos nagconclude na ang mga taong puso ni Mingga yung bunga. Wakas.

Alam kong hindi namin masyado naintindihan yung mga alamat pero nagkatugma kami sa isang paniniwala: May sa demonyo siguro ang mga magulang noon. Kung tutuusin, napakasuwerte ng kabataan ngayon. Isipin mo, handa ang mga magulang dati na ilagay sa pahamak ang buhay ng kanilang mga anak ‘pag naging pasaway sila?

Isipin mo na lang si Pinang sa alamat ng Pinya. Hindi ko alam kung magkaibigan sila nina Mingga at Ines pero may nangyari sa kanyang masama dahil lang sa tamad siyang maghanap. Tapos sabi ng nanay niya, sana magkaroon siya ng maraming mata. Aba, isang araw nagkaroon ng prutas na marami ang mata sa bahay nila. Kawawang Pinang.

Napag-usapan namin kung may kanya-kanya na kaming mga anak e tatakutin namin sila gamit ang mga alamat na yun. Siyempre, gumawa rin kami ng sarili namin. Mahirap na, baka pare-pareho na kami ng panakot e baka isipin nung mga anak namin e niloloko lang talaga namin sila.

Sasabihin daw ni Kat sa ‘pag naging pasaway yung magiging anak niya e magiging Langka ito. O kaya Carrot daw para walang translation sa Tagalog. Tipong Ang Alamat Ng Karot. O Kerots.

Ako naman sasabihin ko magiging Okra o kaya Sayote pag naging pasaway yung magiging anak ko. Bigla kong naisip yung Chesa. Yung Chesa na hindi mo alam kung kailan mo pipitasin. Tapos ‘pag naisip mo ng ready ka na, sabog na sa lupa yung prutas. Bukod sa nakakadilaw daw siya ng ngipin, hindi ko naiintindihan kung bakit may ganung prutas.

Ganun din ang pagtataka ni Kat kung bakit ganun ang itsura ng Rambutan. Masarap siya pero hindi mo alam kung bakit ganun yung itsura. Feeling ko kung may mga alamat man yun, di siguro kagandahan yung mga naging experience nung biktima.

May teorya akong masasama talaga yung ugalig ng mga magulang ng mga bagets at naisip nilang mag-istokwa.

Gaya ni Goldilocks. (Baka kasi galit din kayo sa kanya dahil walang kapararakan kung magtrespass.) Feeling ko kasi masama rin ang pamilya niya. Siguro isa siya sa mga anak ni Prince Charming. Tapos hindi na siya masustentuhan ng maayos dahil sa dami ng asawa ng Tatay niya. Kaya naglayas siya. Tapos nagutom. Kaya nagpunta siya doon sa bahay ng Three Bears.

Ang hindi ko lang maintindihan e kung bakit Prince Charming ang pangalan ng prinsipe. Puwede naman daw Reggie o kaya Boss Haji. Saka wala bang ibang prinsipe sa kanila?

Ewan. Kailangan ko sigurong magbasa ulit ng mga alamat at fairy tales.

Good night.

Yun nga. Hindi naman ako magaling magsulat kaya ang hirap isalin kung ano bang climax meron ang aming aksidente. Sabi lang ni Gary na ang pagpaparating ko kung gaano kagrabe yung aksidente ay kulang. Siguro nga grabe yon kasi minsan (lalo na dati) ay napapansin ang peklat niya sa kamay. Minsan nga e napagkakamalan siyang may frat.

Si Gary pa rin ang umupo sa gitna. Siyempre uwi ang niligtas niyang yelo. Si Bryan tahimik lang sa likod. Tumama kasi yung bibig niya e. Natapyas pa ‘yung ngipin niya. (Dapat ganyan lang ang pagsabi.) Habang bumabiyahe kami na parang slow motion din e pinag-uusapan namin kung ano ang dapat gawin pagdating sa bahay nina Conrad. Ayun, sabi dumiretso lang sa kuwarto na parang walang nangyari. Nag-iinuman rin kasi ‘yung tatay ni Conrad kasama ang mga kaibigan niya noong mga panahong 'yon.

(May dahilan naman ako kung bakit mabagal ang pagpapatakbo ko. Una, naaksidente kami. Pangalawa, mahirap magbalance kung tatlo kayo sa motor. Pangatlo, mahirap magdrive kung malamig na ang panahon at sa likod mo e may yelo na nakakatawa na sa sobrang lamig.)

Ngayon lang sinabi ni Gary kung bakit nagawa pa rin niyang iuwi yung yelo. Sabi niya, naaksidente kami dahil sa yelo. Kung wala kaming maiiuwi, mababalewala lang daw lahat ng ginawa namini. Oo nga naman.

Congratulations! May yelo ka na, may sugat ka pa!

Nakauwi naman kami. Pinauna ko nang pinapasok sina Bryan at Gary at ako na ang nagtayo dun sa motor. Salamat naman at may stand pa siya. Samantala, hindi ako sigurado kung paano sila naglakad papasok sa kuwarto. Para kasing ang hirap magpanggap na walang nangyari e. Lalo na kung grabe yung pagdudugo ninyo tas nakapekpek shorts pa yung isa.

Pagpasok namin sa loob, nagulat ang lahat. “ANONG NANGYARI?!” “ANONG NANGYARI SA INYO?!” Ewan ko kung natanggal ba yung kalasingan noong mga umiinom. O tumuloy pa rin sila sa pag-iinuman. Wala na akong masyadong maalala e. Naniniwala na ‘ata ako ngayon na ako ay nabagok. (Nabagok ang ginamit ko kasi ayaw nilang maniwala na may salitang nabanog.)

Ang mga mass comm students ay biglang naging mga nurse. Lalo na ang mga babae. Simula sa paglilinis ng sugat sa CR, at paglalagay ng first aid ay naroon sila. Ang suwerte ko sa mga kaibigan ko, ano?

Dahil walang tigil ang pagdudugo ng mga sugat nina Bryan at Gary ay naubusan na ng bulak at cotton buds. Ang mga mass comm students na naging nurse ay biglang naging girl scouts. Naisip nilang maaaring pagpigil sa pagdurugo ang napkin. (Teka.) E may baon kasi sila. Pipilitin kong maging hindi bastusin ang kuwentong ito kaya doon ko na lang ititigil ang usapang napkin. Pero kung sino man ang responsable sa pag-iisip non e nakakahanga hindi ba?

Hindi naman talaga ako madaldal na tao pero ang dami kong sinasabi noong mga panahong ‘yon. Medyo nagagawa pa naming tumawa ni Gary samanatalang si Bryan e mahahalata mong masama ang loob sa nangyari. Hindi na rin siya masyadong nagsasalita kasi nga doon sa nangyari sa bibig niya. Sinasabi pa nga ni Gary na napipi si Bryan. Tumatawa naman siya. Nakasara nga lang yung bibig.

Halos lahat kaming magkakaibigan e nasa loob ng kuwarto ni Conrad. Maraming napag-usapan. Lalo na kung ano ang nangyari. Dito nagkaroon ng pagtatalo kung ano nga ba ang aninong aming mababangga dapat. Sabi ni Bryan ito ay pedikab. Sabi ko ay taxi. Sabi naman ni Gary e kariton lang ‘yon. Wala naman akong ibang magagawa kasi siya nga ang nagpamalas ng presence of mind noong mga panahong 'yon. Alam niyo naman na yung ginawa niya di ba?

(Ang corny nang naisip kong pagkakitaan ang pagboto kung ano ba talaga ‘yung anino. Pero bigla na lang akong natawa noong naisip kong yung kita e mapupunta sa pagpapagamot ng namamanas na paa ng aming kaibigan.)

Kariton lang. Kariton lang pala ‘yon. Kung iisipin e nakakasama ng loob. Sabi nga nila ang cheap e. Alam mo ‘yon, iba ‘yung aksidente na dinanas namin dahil sa kariton.

Oras na ‘ata ng pagtulog no’n. Pero bawal kaming matulog lalo na ako kasi baka meron daw kaming concussion sa ulo. O, di ba? Gustung-gusto ko nang magpahinga pero bawal. Kinukurot at pinapalo pa nga nila ako noon para hindi ako antukin. Dahil medyo makulit ako, sabi nila baka mamatay ako sa pananakit nila at hindi dahil sa concussion (kung ano man ‘yon).

Hindi ko alam kung pa'no ito tatapusin kaya may Part 4. Hahaha.

Ang Aksidente - Part 2

Kung saan-saang tindahan kami nagpunta. May mga tindahang malalaki at may mga tindahang maliliit. Yung iba nga e hindi na mukhang tindahan. Basta malayo na kami. Umabot na nga kami sa kalsada na may mga nagbabantay na pulis. Tipong highway na. E kamusta naman, tatlo kami, walang nakahelmet, si Gary nakapekpek shorts at ang ingay-ingay pa rin namin. E di bumalik kami.

Hindi naman kami sumuko. Tumuloy naman kami doon sa isang daan. Rosario ‘ata yung pangalan nung lugar na yun. Ang weird lang kasi habang dumadaan kami doon sa isang tulay, iba yung kulay ng kapaligiran. Alam mo yung kulay ng lumang pictures? Yung sepia ba. Basta yun, ang lakas maka moments of love yung dating nung lugar. E feel na feel naman daw namin.

Lumagpas kami do’n sa tulay at may nakita kaming gasolinahan. Hindi ko na matandaan kung Caltex ba yun o kung ano. Si Gary ang may hawak ng pera kaya siya ang bumili. Siya na rin yung nagdala ng yelo. Ayoko rin naman kasing magdala ng malaking plastic na punung-puno ng tube ice. Ganoon pa rin ang puwesto, si Bryan ang driver, si Gary ang nasa gitna at ako ang nasa dulo. May dagdag nga lang na yelo.

(Naiisip ko tuloy ngayon na sumama lang ako dahil ang sarap ng hangin ‘pag nakasakay sa motor.)

Para sa akin, ang laking achievement nung pagkabili sa yelo. Ang layo na kasi ng lugar. Ayun, dumaan na naman kami sa lumang mundo (tawag ni Gary). Kuwentuhan, tawanan, mga ganyan. Nagrereklamo na nga si Bryan kasi ang ginaw nga raw ng yelo sa likod niya. Naaalala ko ngang dinudutdot pa ni Gary yung bilbil na Bryan e. May sound effects pa yun. “Taba. Taba. Taba.” Medyo ang harot lang ni Gary kasi nagawa niya pa yun bilang yung isa niyang kamay hawak yun sukli tapos sa isang kamay naman yung yelo.

Bigla na lang kaming tumahimik. Hindi ko alam kung ano yung dahilan nila. Basta ako namamanhid yung isa kong binti. Nagtanong pa nga si Bryan kung bakit nga tahimik. Walang sumasagot.

May naaninag kaming anino sa gitna ng kalsada . Hindi ko alam kung ano yun. Mabilis magpatakbo si Bryan kaya kailangan niyang huminto para hindi kami makadisgrasya. E sigurado namang hindi kami makakahinto agad. Ang alam ko na lang nangyaring sumunod e nagslow motion lahat. Alam mo yun, ang bagal ng oras pero hindi ka nakakapag-isip?

(Ano pa nga bang maiisip mo? Alangan namang isipin ko yung namamanhid kong binti e anumang oras e baka hindi na siya parte ng katawan ko?)

Salamat naman at hindi namin nasagasaan ang mahiwagang anino. Ang nangyari nga lang kami ang nadisgrasya. Matapos noong slow motion, tumagilid ang motor at dumausdos ito sa kalsada. Medyo nabago yung puwesto. Ako, tumalsik ako kaya medyo nauna pa ako kesa dun sa motor. Si Bryan kasama yung motor. Si Gary naman nabitiwan yung yelo at yung sukli pero hindi sila nagkakalayo ni Bryan.

Parang medyo naging selfish ako ng mga panahong yon kasi tumakbo ako sa malayo at umupo. Yung upong emo. Siyempre nagulat ako sa nangyari at iniisip ko kung ano ba ang dapat kong isipin. Iisipin ko pa ba yung manhid kong binti? Teka, parte pa ba siya ng katawan ko? Basta sinusubukan kong kalmahin ang sarili ko ng mga sandaling ‘yon.

Pero hindi ko ‘ata magawa dahil sa nakikita’t naririnig ko. Naririnig ko si Bryan na sumisigaw at nagmumura. Si Gary naman niligtas yung yelo at inilagay sa gilid ng kalsada para hindi masagasaan. Yung pera naman sumabog kasi sa kalsada kaya hindi na niya pinulot. Saka no’ng mga panahong ‘yon medyo malilito ka kasi ang laki ng boses ni Gary no’n. Tapos nagtatanong kung ayos ka lang. Sa isip mo, “Shet. Lalaking nakapekpek shorts.”

Walang tumutulong sa aming mga tao. Siguro akala nila may shooting. Nanonood lang sila.

Noong mga sandal ring yon nasabi ko sa sarili ko na ang mga taong ‘to e mga tunay na kaibigan. Kasi kahit super duguan na sila e hinanap nila ako. “Si Norris?! Asan si Norris?!” Feeling kasi nila ako yung pinakamalala kasi ako nga yung tumalsik sa motor. Pero sa braso lang ako nagkasugat kasi nakapantalon ako. Basta hindi ko pa alam kung nasa’n yung mga sugat nila. Naaalala ko lang no’n e nagdudugo ‘yung mukha ni Bryan at si Gary ay nakapekpek shorts at nagligtas ng yelo.

Nagmumura pa rin si Bryan. “T*ng in* mo manong! T*ng in* mo!” Akala ko taxi yung anino pero pag-uwi namin, mali pala ako. Malay ko bang nanonood lang din si Manong Taxi Driver.

Ayos pa naman ‘yung motor. Kahit yung ibang parts e naiwan na rin sa kalsada kasama yung pera. Ako ang nag-drive pauwi.