Seenzoned. - The Chronicles of Norris Skip to content

Seenzoned.

Akala ko noong una, jologs lang yung mga namomroblema na seenzoned sila ng mga crush/SO/friend/whatever nila. Tapos napagtanto kong jologs nga pala ako. Haha! Nireaffirm lang lalo ito ni Dawn noong sinabi niyang "chill chill lang" sabay senyas yung kamay na pang rakista. 'Di ba, ano po 'yon? Sinabi kong tanggapin na lang namin na jologs talaga kami. Sa dami ng kabalbalan na napag-usapan namin, nalaman kong pareho kaming biktima ng seenzone. (As if big deal ito.)

May kaibigan akong laging may hinaing  sa mga pagkakataong hindi siya napapansin ng kaibigan niya lalo na ng kanyang special someone. At kapag sinabi kong hinaing alam mong may pinanghuhugutan siya. Hindi ko talaga ito lubusang naiintindihan, sa totoo lang.

Noong nag-aaral pa ako, may mga kaibigan din akong (kailangan ko ba talagang ulit-ulitin na may mga kaibigan ako?) naghihimutok talaga kapag hindi sila naitetext ng mga karelasyon nila. May pagkakataon ngang naglalasing pa't kakausapin ka ng heart to heart. Aaminin ko na, ang heart ko noon ay mas nakatuon sa pulutan. Matapos ang paulit-ulit na litanya ay biglang may ganitong eksena...

(Naiiyak na sa inis) "Bakit ba kasi hindi niya ako tinete----" sabay sabog ng sukang kaya mong i-identify ang laman sa sahig.

May moment of silence. Natigil ang lahat. Tipong kailangang i-compose ulit ang mga sarili kahit na sobrang distracted ka kung bakit buo pa rin yung kinain niya. Hmm, ayaw ding maubusan ng pulutan.

Tuloy ang usapan na tila walang nangyari (at walang amoy maasim). Ako naman 'tong si bigay ng mga posibleng kaso kung bakit hindi sila nagpaparamdam . Siyempre maliban diyan ang mga sarili kong dahilan tulad na lang na wala akong load (madalas) o wala ako sa mood makipag-usap (mas madalas). May follow up naman ako after a few days/weeks/months. Saka, wala nang kaso 'yan sa mga kaibigan ko dahil alam tanggap namin ang kagaspangan ng ugali ng isa't-isa.

Hindi ko lang akalain na may epekto rin pala sa akin ang pagiging seenzoned recently. Para ka palang nasa limbo. Haha! Ang dami mong iniisip na dahilan kung bakit hindi ka karapatdapat sa sagot niya. Ito ang sample monologue:

Aling aspeto ng "Hello!" ang mali?

Hindi mo ba naintindihan 'yon? (English naman yun ah.)

Sa dami-dami ng abbreviations ngayon hindi pa ba nakakaimbento ng sagot para sabihing busy siya o kung ano pa man?

Naranasan ko ngang puro TTYL (na kinailangan ko pang i-google kasi akala ko flirty yung mensahe) ang message sa akin ni ex dati.

Bakit kailangan kong isulat na may ex ako?!

Hahaha! Lecheng TTYL 'yan!

Pero sayang naman kung sa dami ng naisip kong posibilidad  na dinahilan ko sa kaibigan kong nagsuka e wala akong i-consider na sagot. Tama na yung arte. Nabasa naman na yung mensahe ko. Okey na 'yun.

Saka ano pa ba yung punto ng paghihumutok ko sa seenzone e diretso unfriend na 'ko ni crush? Hahaha!

2 thoughts on “Seenzoned.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

eight − three =