Mani Memories - The Chronicles of Norris Skip to content

Mani Memories

Habang kumakain ako ng mani ngayon e may mga bagay akong biglang naalala. Totoo nga sigurong nakaka improve siya ng memory. Haha!

Noong highschool kami, tuwing uwian e dumadaan muna kami kay manang na nagtitinda ng mani. Manang Mani na ang tawag namin sa kanya bago pa namin nalaman na may Manang Mani rin sa Baguio. Hindi nga lang namin siya masyadong nakakausap bukod sa madalas na pagrerequest na pakidagdagan pa ng konti yung binili namin. Hahaha! Yung isa naming kaibigan bawang naman ang hilig ipadagdag. Minsan nga sabi ko sa kanya bakit 'di na lang bawang yung bilhin niya.

Anyway, ito na yung pinakaimportanteng bahagi.

Magkakaroon ka raw kasi ng pimples dahil sa mani kaya bigla ko itong naalala. Nabasa ko itong joke na ito pero hindi ko na matandaan kung saan. Pakitandaan na ito ay distasteful sa batayan ng ibang mga tao. Pasensya na pero isa siguro ito sa mga joke na tinatawanan ko noon hanggang ngayon. I feel terrible for admitting this. Hahaha!

Boy: Gusto mo ng mani?
Girl: Ayoko, tinataghiyawat ako sa mani e.
Boy: Ah... Ako sa noo lang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ten + sixteen =