Huli. - The Chronicles of Norris Skip to content

Huli.

Today I can honestly say na may nakahuli ng gigil ko ngunit napagtagumpayan naman nating maging level-headed. Minsan mahirap talaga mag-navigate through difficult conversations with difficult people and they sometimes get the best of us. Reminder lang ito sa sarii ko or sa iyo na rin na nagbabasa nito na huwag maging madamot sa sarili para magstep back, huminga at i-align kung ano ba ang nasa isip at paano ilalabas ang mga ito sa salita. Magandang tanong din sa sarili ay, "Ano ba yung added value nito sa buhay ko?" Sa akin ngayon...meron kayong fresh content.

Image from:pinterest.ph

Dahil tunog mamaru na rin naman na ako ngayon, gusto ko lang i-share yung natutunan ko recently (salamat sa mga libreng online training courses). Yung topic ay tungkol sa self compassion. Dahil super english 'yon at hindi on brand kapag nilagay ko dito, eto ang takeaways:

  1. Self criticism leads to self destruction. You have to learn to see self compassion as an alternative. A healthier one.
  2. Yung mga self criticism gaya ng "Ang tanga ko," "Hindi siguro ako enough," "Ang pangit/taba ko," ay posibleng nag-uugat kung paano ka pinalaki at kung ano ang dinidikta ng lipunan. May layer ng social construct, ganyan.
  3. Importante na i-acknowledge mo kung ano ka as a person, yung kakayahan mo, yung attributes mo. Minsan kinukumpara natin ang sarili natin sa ibang tao. "Ay, mas magaling siya magsulat." Hindi 'yon dahilan para magprocastinate at tumigil kasi meron at meron talagang mas magaling sa 'yo. In short, yung idol mo may idol din 'yon.
  4. We usually focus on our sufferings, dwelling on the thought that we need comfort. But we are capable of giving that comfort to ourselves, just like the way we provide them to other people around us.
  5. Recognizing the concept of shared humanity will make you realize hindi ka nag-iisa sa pagkakamali, fears and frustrations na meron ka. Huwag tayong mafixate sa mga ito.
  6. See and celebrate yourself for who you are --- the positive, the negative, or yung saks lang.

Huwag kalimutang maging mabuti sa sarili. Dahil diyan, I guess I will have to finally accept the fact na ang blog na ito ay jologs talaga at hindi ko na pipilitin magmaasim. Bye!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

sixteen − 13 =