Proof of Life - The Chronicles of Norris Skip to content

Proof of Life

Once upon a time, isa sa aking coping mechanisms ay isulat kung ano ba ang naiisip at nararamdaman ko. I used to keep a diary pero overtime kinatamaran ko na rin kasi nga medyo hassle naman kung super bura ka lang 'pag hindi mo bet kung paano mo siya winord kahit alam mo namang ikaw lang din naman ang makakabasa. Hindi tulad sa blog na ganito, may option ako na i-revise, magdelete, as in walang touch move. Saka as an occasional pampam, I find entertainment when I get to interact with friends/strangers who can relate to my thoughts. Operative word ang occasional since I don't usually share links to my page. Kung may matisod at makarating dito, surprisa na lang, ganyan.

Magtutunog old-timer pero this "era" of the internet sometimes bothers me. Nagsimula ako from "Hala, baka may mali/pangit akong masulat." to "Naku, dapat pa bang i-share ito? Baka makita ito somewhere." (Believe me, some people stalk you online.) This is the reason why I don't share much stuff online. In short, praning lang pala kasi baka hindi nakakaganda ng imahe. Charot!

But I found myself spending a little me time and looking back how stressful this week was. Hanggang sa umabot na ako sa months and finallly umabot na ako sa naging journey ko this year. Self-reflection and realization levels! Tamang-tama ano, Disyembre na tapos mangchacharot na naman tayo sa New Year's Resolution!

Siguro magsimula tayo sa me time na 'yan. Naka-ilang palit na ako ng doktor + may poor attempt to see a therapist this year. May natutunan naman tayo and I think this is why you're able to read this right now. Disclaimer na hindi ako expert but one thing I learned is to reflect kung paano tayo nagrerespond sa thoughts natin. O 'di ba dzai, imbes na maglunod sa alak isinulat ko na lang. Healthier alternative, gano'n! Also justification ko rin 'yan kasi nga ganito na ang Friday night ko. Lipas na ang walwalera phase natin.

Ang dahilan kung bakit ako may intro diyan sa mental health kinesu kasi I really struggled this year. Earlier this year, I lost Zero. Parang first time ko talaga naramdaman yung emotional/nervous breakdown. I was on meds. Ilang taon mo pinag-isipan to commit taking care of a dog and then barely a year later, mawawala sa 'yo. My job at the time had a retrenchment. While I was not laid off, it didn't make sense to me na halos lahat ng katrabaho ko e mawawala so I felt the need to move on as well. Everything was so surreal gumawa pa kami ng playlist. HAHAHA.

After that I also encountered some of the most intense individuals sa workplace. And by intense I mean parang mga pinaglihi sa sama ng loob (not gonna lie parang treading on thin ice na tayo dito hahaha). Tipong paggising nila siguro ang dialogue nila ay "Today ay pipillin kong magalit sa mundo and I'll make sure everyone knows." Need mo na lang i-tune out at i-compartmentalize pero kung hindi ka ba naman talaga rin maloka minsan.

Anyway, kahit hindi masyadong kapani-paniwala, most of the time advocate talaga ako ng kabutihan. Love and light, mga ses. Hahaha. Kaya magbabahagi na lang din ako ng kaunting good news.

Hindi ko sure kung good news ito pero I guess legit na yung #AhensyaLife. I'm working with some of my old colleagues kaya salamat na lang talaga at may kasama pa rin tayong iyak-tawa.

I also got a new dog (a golden retriever) last April! I named him Juno (hulaan mo kung bakit yun ang pangalan). Grabe, nakakaubos ng energy! Pero kahit sobrang playful ang lambing! Kung hindi lang siya talaga dinosaur parang gusto ko rin siyang ilagay sa stroller 'pag namamasyal.

At dahil nabanggit ko na si Juno, narealize kong parang gusto ko na itigil ang post na ito dito nang makapag good night ako sa kanya. Saka medyo marami na rin naman akong chika concerned na nga ako baka manic episode lang ito. HAHAHA. Hanggang sa susunod! Happy weekend!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

19 + 16 =