Enhypen, Concerts, Spotify Wrapped, atbp. - The Chronicles of Norris % Skip to content

Enhypen, Concerts, Spotify Wrapped, atbp.

(Gaiz, 2 days in a row! Record breaking 'yan for me pero kumusta naman kung gaano kababa ang bar ano?)

Na-share ko na ito recently pero for the sake of "content", i-chika ko na lang din dito. Alam niyo bang never pa akong nakapunta sa isang "proper" na concert tipong you-paid-for-a-seat levels? Hindi ko talaga siguro fully gets yung appeal ng pag-attend sa isang ganap na maraming tao at noon pa lang kahit wala pang pandemic e pinapractice ko na ang pagiging social distancing. Charot! Earliest memory ko na may concert akong napuntahan e may event dito sa bayan namin tapos nandoon si Ice Seguerra. Kasama ko pa mga magulang ko noon tapos napakalayo namin sa stage dahil sa dami ng tao. Ramdam mo yung linyang "alam kong hindi mo pansin, narito lang ako." Hahaha! Ang naaalala ko na lang after niyan e yung mga libreng pa-concert sa university pero dahil nga mas passionate yung ibang students, nasa likod lang kami ng mga kaibigan ko either nagchichismisan or kumakain. Closest na siguro (and close encounter talaga) yung nag-work ako sa isang ahensya as a copywriter pero dahil ako naman ang nagsulat ng script, jumoin na rin ako as floor/stage assistant sa isang event ng Talk 'N Text.

Mga beh, nakita ko talaga nang malapitan si Marian Rivera! Imagine, lapot na lapot ka tapos need mo siya i-assist pumasok sa stage kasi nagagalit na si Direk. Hahaha! May iba pang artists and performers at the time (makapagkalkal nga ng pictures soon!) pero grabe talaga yung pagkastarstruck ko kay Marian noon. Ang masasabi ko lang ay happy at interesting na experience ang pag-eevents pero ibang level ng energy ang nirerequire niya kaya ang realization doon ay hindi siya para sa akin. Hirap man i-achieve, love ko matulog. Haha!

Anyway, before pa maging puro backstory ang entry na ito, nababad ako sa social media kagabi at nabalitaan ko ngang pumunta dito ang Enhypen at ang daming hot takes ng mga tao sa mga naganap sa airport. Siguro ang unsolicited opinion ko rito ay may degrees kasi talaga ang pagka-fan lalo na kung K-pop? Speaking of, ngayon nga masama pa rin ang loob ko kasi hindi ako nakabili ng tickets para sa concert ng Blackpink. Ito pa man din yung plano ko para masabing makakaattend na ako ng concert for the first time.

Kating-kati talaga ako that time. Dahil sa frustration, sumilip na rin ako ng ibang concerts na possible mapuntahan. Kung may Enhypen sila, meron akong Backstreet Boys! As a 90s kid, 'yan talaga ang tugtugan na at some point in my life ang naging nickname ko sa schoolmate ko e 'Boyband'. Pero waley, ubos ang ticket! Tinry ko na rin umakyat ng age bracket kasi may Air Supply pero jusme, ubos din! May nakita akong available seats sa concert ni Conan Gray pero parang hindi ko rin mapangatawanan kasi baka magmukha lang akong chaperone/tito nung ibang attendees. Hahaha! Susubukan kong bumili ng ticket ng Mamamoo mamaya pero kung wala talaga, baka sign talaga ito na hanggang Team Bahay lang tayo. That is unless...beke nemen!

Dahil nabanggit na rin naman si Conan Gray, gusto ko lang i-share kung ano ang resulta ng Spotify Wrapped ko.

HAHAHA. Hindi mo kaya! Bagets 'yarn, Norris? Magtataka pa sana ako kung bakit nasama si Tita Whitney pero narealize ko 'pag mag-isa pala ako sa sasakyan more kanta pala ako ng One Moment In Time.

At dito na nga nagtatapos ang post na ito. Hanggang sa susunod. Manalig kayong I will be, I will be free~!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

thirteen + ten =