Some time ago, nag-usap kami ni Sam habang nagsosort ako ng files since high school. As in assignments, pictures at videos galing sa sinaunang cellphone pati yung mga picture na need mo pa i-scan para lang madigitize. Nakaka-amaze kasi kahit papaano ay narecover ko siya since ang uso lang noon e more burn pa sa CD! Isipin ko pa kung paano ko siya isheshare soon!
Anyway, kabilang sa mga nakita kong documents ay application form sa StarStruck. Yes mga beh, yung TV show sa GMA 7. Hindi ko maalala ever na nag-aspire ako maging artista but I guess hindi malabo since nakasubaybay ako sa show. Naaalala ko pa na si Jennylyn Mercado talaga ang bias (bias?) ko to the point na may pagbili pa ako ng picture niya at super subscribe pa sa fanatxt. As a bagets, akala ko tinetext talaga ako tapos updated ako sa mga ganap ni mum. Parang core memory talaga 'yan kasi not so long ago, may debate pa kami ng officemate ko kasi si Yasmien Kurdi naman yung bet niya. Marami na ring nakawitness na isa sa go to songs ko sa videoke kapag nalasing ay Kahit Sandali.
Faney chika aside, isa sa mga issues ko as a full-grown adult is I often think about how people perceive me vs my self-awareness. Ilang beses ko nang naimagine na kung mapupunta ako along with the people I know sa isang sitwasyon a la StarStruck or Big Brother, pakiramdam ko hindi ako yung magiging ultimate winner dahil strong yung sweet girl branding ko. Baka ultimate sweetheart pwede, gano'n. Pero alam niyo, gusto ko yung pakawala and competitive din ako at times! (E paano yun kahit lasing Jennylyn pa rin pala ang atake natin?)
Ang sabi nga, we are complex and multifaceted beings. Isa sa mga paalala sa akin during my counseling ay our thoughts create our feelings, our feelings create our behavior and our behavior creates our reality. Maraming akong kailangang i-unlearn pero sa case na ito, bakit kailangang reality competition show yung hypothetical kung may chance naman akong mas mag-excel sa Wheel of Fortune, 'di ba?
Basta 'pag ako ang naging housemate sa PBB, matutulog ako after kumain. 'Pag may nag-aaway, lilipat ako sa ibang area ng bahay. At kapag nomination time na, expect niyo na na ganito din ang mga dahilan ko: