Lensa - hopping on the trend train - The Chronicles of Norris Skip to content

Lensa – hopping on the trend train

Ilang araw nang flooded ang social media feed ko ng pictures na gawa sa Lensa. Kung hindi ka pa aware kung ano ito, isa siyang phone app na gumagawa ng AI art based sa photos na isasubmit mo. Dahil nga trending, sumabay na dumagsa ang articles tungkol sa data privacy, capability ng AI pati na rin ang effect nito sa users. Hindi naman ito ang focus ko sa chika ko pero bilang naging empleyado ng isang media tech company, I got to familiarize myself sa extent ng maaaring paggamitan ng activity natin online. So siguro ang mabibigay kong takeaway ay maging responsable tayong netizens at matutong magbasa ng mga privacy policies.

Ito ay kabaligtaran ng ginawa ko at tuluyan na nga akong nagpabudol sa Lensa. Hahaha! Apparently, kailangan mo palang magbayad para makagawa ng 'Magic Avatars'. Siyempre dahil may tendency tayong magkaroon ng FOMO, inavail na rin natin. Saka sa totoo lang, cool naman kasi talaga kaya mahirap hindi matempt mga dzai.

Wala naman akong planong ipa-print at ipa-frame itong mga nakuha kong resulta kaya just like everyone else, i-flex ko na lang din. I find the results quite amusing pero gets ko kung bakit may naiinis. But for the sake of entertainment, more playtime na lang tayo at i-evaluate natin yung best at worst (at least sa kaya kong i-post online hahaha). The pack I got is categorized into multiple art themes/styles so i-breakdown natin:

Mystical - BEST

Para tayong ano dito, magulang ng bida sa teleserye.
I was wearing glasses for most of the photos I submitted, pasenysa na. Bet ko lang yung outfit, ganyan.

Mystical - WORST

Para tayong Breaking Bad pero nasa Engkantasya?
I mean...I don't hate the photo. Medyo parang hindi ko lang bet yung vibe. Parang ayaw ko siyang pagkatiwalaan? Charot.

SCI-FI

BEST. Hindi ko gets kung ano yung nasa mukha niya pero mukha siyang maraming pinagdaanan sa buhay, parang may bitbit na wisdom, ganern.
WORST. First of all, hindi ko siya kamukha. Second of all, parang hindi siya magkakaroon ng matagal na screen time. Parang isa ito sa masheshegui agad sa movie.

ASTRONAUT - GURL WORST LAHAT

This is a hate crime.

ANIME

It's giving me nandiyan na yung kontrabida sa kabilang school.
Muntik na makita yung ulo ano po

ADVENTURE

BEST. Hindi ko alam how this is categorized under 'Adventure' pero she is fresh so give na natin!
WORST. Parang wala naman akong ganitong sample na sinubmit! Mukhang mahirap 'tong kainuman. Parang mag-aamok anytime!

CYBORG

BEST. Ito na talaga yung pinakamaayos kahit parang masyado niyang tinodo ang make up for the event.
O pak, literal na cyborg yarn?

COSMIC

BEST. Hindi hawak ng mga bituin ang ating kapalaran. Gabay lamang sila. Meron tayong free will. Gamitin natin ito.
WORST. At this point parang nagsisisi na akong gumastos sa lensa app na ito.

ROCKSTAR

BEST. Ang tigas mhie!
WORST. Please, huwag niyo na kasing pilitin kung ayaw mag-concert ng tao.

SUPERHERO

BEST. -=LiL ZupLaDo=-
WORST. Why do I get the feeling na nagkakamot siya ng pwet?

STYLISH

BEST. May vibe na sa creative department siya nagwowork. Pag naging jowa mo 'to, ipopost niya yung candid photos mo sa IG niya.
WORST. Ito yung makikita mo sa dating app tapos may sapiosexual sa bio. Tapos 'pag nakita mo in person parang pwede kang maaccuse of internalized homophobia. Charot!

Mahaba-haba na ang hanashi so itigil na natin. Saka 'di ko rin alam kung paano icclose ito pero nawa'y nabigyan kayo ng idea kung worth it ba magbayad for this. Hahaha! Bye!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

two + 2 =