Category is...I can't think of any. Archives - Page 2 of 11 - The Chronicles of Norris Skip to content

Ilang taon na rin akong natigil sa pagsusulat ng ganito. Ewan, lagi kong sinasabing ayokong magsulat bilang trabaho kasi gusto kong tingnan ang pagsusulat bilang hobby at outlet ng nararamdaman. Pero sa dami ng naging ganap ko sa buhay, laging may written na component kumbaga. May dilemma, tipong…hala, I flunked some of my writing subjects, scam ba yung pagiging content writer ko dati, ang daming revisions ng gawa ko ngayon, baka lalo pang majustify dito kung bakit? Hahaha! Puwede naman akong makinig na lang sa Blackpink (among other things)?

Also, ano bang balita guys? In pa ba ang blogging sa 2020? Parang kailangan ko na yata maglevel up as a vlogger? Gusto niyo ba yung ASMR tapos magrarant lang ako kung gaano kabasura yung 2020? *whispers* Charot!

Speaking of basura, seryosong conflicted ako kung ano ba ang content na dapat kong ilagay sa internet. Ang lakas ng pakiramdam kong hindi talaga ito ang galawan ng mga nasa late 20s, e. Hahaha!

Anyway, obvious na sigurong my relationship with writing has been complicated. Pero baka totoo yung sinasabi nilang first love never dies. Kaya ito na naman ako. Subukan ulit natin.

Kung ano ang magiging direction ng incarnation ng blog na ‘to hindi ko pa sigurado pero salamat if you have been (or decide to be) with me in this journey.

...malamang ang itsura nito ay ticket sa UAAP Cheerdance Competition. Talagang mahirap abutin. Kung hindi pa raw masakit na hindi ako nakanood nang live, hindi na naman nagkampeon ang UP this year. Putragis na 'yan.

Lumaki ang pusang itim na iniiwasan ng lahat.

Sabi ng ibang mga pusa sa kanya, "Meow meow meow! (Ikaw ay kakaiba at hindi nababagay sa katulad namin!)"

Ngunit alam ng itim na pusa na siya'y kakaiba. Kailanma'y hindi niya pinroblema na  hindi malasutla ang balahibo niya at kung magkaiba man ang kulay ng kanyang mga mata.

"Meow! (Kebs!)"

Hindi siya nabahala sa kanyang katangina hanggang sa nagtipun-tipon ang lahat ng mga pusa isang araw.

Narinig niya ang karamihan, "Meow meow meow! Meow meow! (Ang lambot ng iyong balahibo at ang ganda ng kulay ng iyong mata! Siguro tayo ay para sa isa't-isa!)" Lahat ay masaya sa kanilang mga nakilala at lahat ay umuwing may kapareha. Lahat, maliban sa isang itim na pusa.

Habang naglalakad sa isang eskinita ay tinanong ng itim na pusa ang kanyang sarili "Meow meow meow? (Mayroon din kaya akong kapareha?)" Sa unang pagkakataon sa kanyang pagig naisip niya na dahil hindi maganda ang kanyang balahibo at hindi pareho ang kulay ng kanyang mga mata ay nakatadhana siyang maging mag-isa.

Hindi niya alam ang kalungkutan na kanyang nararamdaman.

Nang minsang siya ay naghahanap ng makakain, nakita niyang dumating ang isa pang pusa. Magkaiba rin ang kulay ng mga nito. Hindi rin malambot ang balahibo nito. Higit sa lahat, itim din ang pusa gaya niya.

"Meow! (Siya na siguro iyon!)" masayang sinabi ng itim na pusa sa kanyang sarili.

Magdamag silang nagsama sa bubong ng bahay ni Aling Malou at walang ibang inatupag kundi kilalanin ang isa't-isa. Hindi makapaniwala ang itim na pusa. Sa wakas ay naramdaman niyang hindi naman siya naiiba.

"Meow meow meow? (Alam mong tayo'y magkaiba, hindi ba?)" tinanong sa kanya ng bagong kaibigan.

"Meow? Meow meow meow... (Ha? Hindi ko naiintindihan... Berde't asul din ang kulay ng iyong mga mata. Itim din ang iyong balahibo gaya ng sa akin! Bakit hindi tayo para sa isa't-isa?)" nagtatakang sagot ng itim na pusa.

Sinabi ng kanyang kasama sa paraang , "Meow meow meow... (Mauunawaan mo rin ako...)" Niyakap nito ang itim na pusa at pagkatapos ay nagpaalam.

"Meow... (Meow...)" sabi ng itim na pusa habang nakatingala sa langit ng kakulay ng kanyang balahibo.

Hindi malasutla ang balahibo niya at kung magkaiba man ang kulay ng kanyang mga mata, ito ay hindi na mahalaga.

Natutong umibig ang pusa.