Category is...I can't think of any. Archives - Page 11 of 11 - The Chronicles of Norris Skip to content

Sa tingin ko wala naman akong ikukuwento ngayong araw. Mainit, nakakatamad.

Nagising ako tanghali na, ‘di ko na naabutan mga cartoons sa TV. Pero ayos lang. Basta may internet, solb na ‘ko. Nagpaplano kaming pumunta sa MoA. Pero parang ‘di na matutuloy.

Hatinggabi na. Tapos na ‘ata mga palabas. Naka-text ko si Dexter kanina. Pinag-usapan namin kung ano mga plano namin sa college. Kumuha siya ng scholarship exam kaso hindi siya pumasa. Sayang. Pero marami pa namang iba diyan eh. Gusto niyang sa FEU mag-aral kasi nandun nga ang kanyang minamahal na girlfriend. Sabi ko magastos kung uwian. Maalalahanin kasi ako e. Hehe. Ganyan nga, umupa raw kami ng bahay. Doon daw tumira. Magsama pa daw kami ng iba. Ayaw niya talagang magkahiwa-hiwalay. Haha! Saka sino naman? Ung karamihan ‘ata ay sa Fatima at NCBA na, si Tata sa FERN at si Veena ay sa UPB.

Um, wala na ‘ata akong sasabihin. Oo, ‘ala pa rin akong desisyon. Paalam na muna. Bukas na lang uli. Mood swings? Hehe.

Um, ‘ala. Sinusubukan kong ayusin ‘tong multiply ko. Nakakainis. Kahapon e nag-type ako ng pagkahaba-haba tapos ‘di ko rin makikita. Inaantok na ako. Wala akong maisip. 'Di ko alam kung bakit ako type nang type ngayon eh parang wala naman akong sasabihin.

Natapos na naman ang isang araw. Piniktyuran na kami kanina para sa graduation. Nakakainis. ‘Di ko na naman alam kung anong mga itsura namin dun. Tas ung background pa. Rainbow! 😐

Ayun, kumanta kami ng True Colors kanina. ‘Yun ‘yung graduation song namin. ‘Di ko alam kung bakit. Natawa kami kanina kay Niel dahil sumisigaw siya ng “Give me the sign!” ‘Yung parang may seryosong usapan tas bigla na lang siyang magwawala sa harap mo. Haha! E kamusta naman ‘yun?

Um, kasama ko si Reveena at Rommel kaninang uwian. (Madalas namang ganun.) Nakakagutom kasi. Nagkayayaan kumain. Dumaan kami sa may Tito Aga’s (food corner). Tinawag kami ni ate. ‘Di pa namin pinatulan. Bagong renovate pa naman sila. Lakad-lakad. Nakarating kami ng Chowking. ‘Yun pala Chao Fan lang ‘yung kakainin namin. Gumasta kami ng malaking pera eh parang joke lang yung kinain namin. Haha! Dapat ung salu-salo treat na lang. Eh kasi naman, nasa school ka pa lang ubos na ‘yung pera mo sa kakabili dun sa canteen na x3 ang presyo ng mga paninda.

Pag-uwi ko, mga 6:30 na. Wala lang. Nood ng tv. Tapos nag-computer. Internet. Nag-OL ako sa YM. Mga 8 na tapos nag-online din si Tata at Chaya. Nakakatuwa naman kahit papano. “Bakikang na.” Hehe. Tapos nag-log out na si Chaya. Ayun, pinakiusapan ako ni Tata na ipadala yang mga kanta (graduation). Tapos nung nasend ko na, nag-log out na rin ako.

Bakit kaya ‘di ako makapag-unli? 11:30 na ah? Hehe.

Bukas na lang siguro uli. Good night.