The Chronicles of Norris - Page 2 of 22 Skip to content

Today I can honestly say na may nakahuli ng gigil ko ngunit napagtagumpayan naman nating maging level-headed. Minsan mahirap talaga mag-navigate through difficult conversations with difficult people and they sometimes get the best of us. Reminder lang ito sa sarii ko or sa iyo na rin na nagbabasa nito na huwag maging madamot sa sarili para magstep back, huminga at i-align kung ano ba ang nasa isip at paano ilalabas ang mga ito sa salita. Magandang tanong din sa sarili ay, "Ano ba yung added value nito sa buhay ko?" Sa akin ngayon...meron kayong fresh content.

Image from:pinterest.ph

Dahil tunog mamaru na rin naman na ako ngayon, gusto ko lang i-share yung natutunan ko recently (salamat sa mga libreng online training courses). Yung topic ay tungkol sa self compassion. Dahil super english 'yon at hindi on brand kapag nilagay ko dito, eto ang takeaways:

  1. Self criticism leads to self destruction. You have to learn to see self compassion as an alternative. A healthier one.
  2. Yung mga self criticism gaya ng "Ang tanga ko," "Hindi siguro ako enough," "Ang pangit/taba ko," ay posibleng nag-uugat kung paano ka pinalaki at kung ano ang dinidikta ng lipunan. May layer ng social construct, ganyan.
  3. Importante na i-acknowledge mo kung ano ka as a person, yung kakayahan mo, yung attributes mo. Minsan kinukumpara natin ang sarili natin sa ibang tao. "Ay, mas magaling siya magsulat." Hindi 'yon dahilan para magprocastinate at tumigil kasi meron at meron talagang mas magaling sa 'yo. In short, yung idol mo may idol din 'yon.
  4. We usually focus on our sufferings, dwelling on the thought that we need comfort. But we are capable of giving that comfort to ourselves, just like the way we provide them to other people around us.
  5. Recognizing the concept of shared humanity will make you realize hindi ka nag-iisa sa pagkakamali, fears and frustrations na meron ka. Huwag tayong mafixate sa mga ito.
  6. See and celebrate yourself for who you are --- the positive, the negative, or yung saks lang.

Huwag kalimutang maging mabuti sa sarili. Dahil diyan, I guess I will have to finally accept the fact na ang blog na ito ay jologs talaga at hindi ko na pipilitin magmaasim. Bye!

Yung title ng post na ito ang sumasalamin sa level sana ng effort na gusto kong ibigay para ikuwento ang journey namin together sa nakalipas na isang taon. Pero gaya ng huling entry ko, hindi pa rin ito yung pagkakataon na 'yon. Nabanggit ko na sa twitter pero ang takeaway lang naman talaga dito ay ang tagal na ng pandemic sa Pilipinas at nakapagcelebrate na ng first birthday yung aso ko.

Happy birthday Zero! Sana ay matupad yung mga wish mo sa buhay at sana healthy ka always. Madami pa tayong gagawin kahit wala kang ibang mood bukod diyan sa parang gusto mong ireevaluate ko palagi yung choices ko sa buhay.

I probably shouldn't have made this blog live again. May deadline pa akong nalalaman for this, di ko rin pala masusunod. Haha. Sa mga nakatisod nitong blog na ito (apparently most of them ay naghahanap ng "bcwmh" content), pasensya na agad. Updating this site is not my priority right now so habang wala pa, sana ay steady lang kayo. Also, sana ay mabakunahan na kayo at makapagparehistro bilang botante. Hanggang sa muli!

“Hi Tin! Kamusta ka na? I’m having an art exhibit this Saturday. I was told by Jessica na malapit lang sa office mo yung venue. Sana makapunta ka." -Josh

“HOY! 11 years! 11 years matapos mo akong iwan… Matapos mo akong ipagpalit sa hindi ko naiintindihang dahilan? Galit ako! Sinubukan kong malungkot pero shit, all I’m thinking was falling in love with you could be the worst decision I’ve made in my life. Siya nga pala, sinunog ko na ang paintings (aka obra maestra) mo. Bakit pa ba kailangang tandaan lahat ng meaning ng kulay at brush strokes na ginamit mo? Lahat naman pala hindi totoo! Saka sobrang cliche yung red means love no! Teka, bakit ko ba sinasabi sa ‘yo ‘to? Bakit ka ba biglang nagparamdam? May nararamdaman ka pa ba? Ano, guilt? Remorse malamang! Excuse me lang but there are no more pieces to pick up for the two of us. You’re 11 years too late, Josh. Pero fine, pupunta ako.”

“Alright.See you on Saturday. Congratulations on your exhibit, by the way." -Christine