Alagad Ng Pag-ibig Archives - Page 2 of 4 - The Chronicles of Norris Skip to content

X: I miss you. Sana okay ka lang po. Palagi kang nasa prayers ko. Good night.
H: You don't know how much I miss you but please don't make this hard for both of us... The truth is you'll always be happy without me and I'm trying my best to do the same. I really don't need this right now... Good night.

Buti na lang talaga at wala akong load. Baka pagsisihan ko e.

Sabi ng nakainuman ko minsan, “pain is the ultimate inspiration.” Kahit sabihin nating galing ito sa bibig ng lasing, totoong pinagawa ni Shah Jahan yung Taj Mahal para sa jowa niya. Totoong more more pinta si aling Frida Kahlo ng mga hinanakit niya sa buhay (na hebigats talaga). At siyempre totoong makabagbagdamdaming ang mga kanta ni mareng Adele.

Bago mo mafigure out na nagmamarunong lang ako, ang punto ng sinasabi ko e kapag may nakapansin sa ginagawa mo’t tinanong ka kung may pinanghuhugutan ka, sagutin mo: “Chrue.”

So...it's chrue.

Noong teenager pa ako’t inosente pang maituturing, my “first love” found me. (Ako talaga yung nakita, ganon!) Wow, heaven ang feeling! Lahat ng quotes about love. Lahat ng bagay kinumpara na sa love. Walang pakialam sa telebabad at kung ang laki man ng taghiyawat sa noo. May meaning ‘yon e. Alam mo kung ano? Luuurve.

Isang araw no'n, tumawag siya. Sobrang kakaiba sa pagkakataong tumawag siya para tumugtog ng keyboard at kumanta. (Igtad sa kilig!)

Siya: (Paraphrased) You know we couldn’t be together. Bla bla bla. Sorry... Umiiyak ka ba?

Ako: Hindi ah.

To cut it short, may kinalaman din ang heaven kung bakit kami naghiwalay.

Ang totoo, even how hard I tried, wala talagang pag crayola (cry) e. Looking back, I might have been bitter. Napakapait to the point I told myself that this person isn’t my “first love.” Ba, I deserve better! Syet, lovapalooza levels dapat kami!

Fast forward, pare-pareho lang ako ng dialogue sa mga sumunod na relasyon (at pseudo-relationships). Hindi ko matanggap na puchu puchu ako palagi. Hindi dapat ganito ang first love! (Ano ba, lovable naman ako ah.) Binabaan ko na rin yung goal ko for the relationship kasi narealize kong may claustrophobia at social anxiety ako. Bawal kami sa lovapalooza. Nevertheless, I still believe in love (o luuurve).

Years later, that person found me again. I tried to start a conversation. For old times' sake, kumbaga.

Matapos ang sandaling kuwentuhan, may nalaman ako tungkol sa kanya. Madaling sabi, hindi ko na business kung may nakarating na sa heaven.

Out of nowhere, nagfade in ng Pain In My Heart ng Neocolors.

But I don’t want to remember

The things And all the things that remind me of you

I don’t want to hear the songs

The songs we used to sing

'Cause i don’t wanna feel the pain in my heart

Ano 'tong nararamdaman ko? May hurt with ampalaya on the side. But why? Nalito ako for a moment.

'Di rin nagtagal, napagtanto kong hindi ko pala ako nakapag-move on nang maayos (well not until this moment). I've been trying so hard to deny the fact that you're my "first love" all along. Oo, kahit alam nating puchu puchu lang din tayo noon.

Alam mong wala kang aabuting Taj Mahal o painting o sobrang madamdaming kanta sa akin. Itong note lang na 'to nagsasabing nakapagmove on na ako. This might be light years late and so unnecessary pero parang nararamdaman kong kailangan kong isulat 'to. Blame it on the a a alcohol.

So it's chrue. Ikaw ang first love ko.