The Chronicles of Norris - Page 21 of 22 Skip to content

17 na ako! Yehey! Hehe. Akala ko wala na talagang selebrasyon. Kasi noong nagising ako, tanghali na. Binati naman ako ng mga magulang ko. Linggo kasi. At kailangan kong bumalik sa Maynila. Binigyan lang ako ni ama ng pera. At yun nga, nagpunta sa Tungko at tinatamad na ako magkuwento. Haha! 😐

Masaya naman kahit papa’no. 🙂

Ngayon ko lang talaga masasabing masama ang loob ko.

Hindi na ako puwedeng makapag-enroll sa UST. ANG BOBO. 😐

Wala na akong masabi.

Hindi ako nalulungkot. Naaasar ako.

Ang labo.

Nakakatawa, halos araw-araw na akong nasa Manila. Hehe.

Isa na akong Tamaraw. Noong una, ayoko sa FEU. Pero napagisip-isip ko, okay lang. MAHALIN NATIN ANG ATING PAARALAN. 🙂

Tinatamad na ako.

‘Di ko na alam kung ano ire-react ko. Ayoko ng basahin ‘yung mga nauna kong post.

Bukas na lang ulit. Masama pakiramdam ko.

Wala. Dagdag post lang. Wala kasi akong magawa. Nakakatamad rin palang mag-internet minsan. Ka-text ko si Reveena ngayon. Pati sa gasolinahan eh may nagawa na naman siyang kalokohan. Hehe. Ayaw niyang sabihin. Nakakahiya daw kasi. Ayun.

Actually, ‘eto talaga pinakauna kong post dito.

‘Yung iba kasi galing lang sa ibang blog ko. Sa 9k, sa multiply, sa bravenet. Sinasabay ko sa pagbuo ng site namin. Tinatamad na nga akong ituloy ‘yun eh. Ang pangit kasi saka ‘alang tumutulong sa ‘kin. Eh ‘di parang site ko lang din ‘yon.

Ang init talaga sa Pilipinas! Um, naalala ko ‘yung school namin. Ewan ko lang kung may Academia pa sa susunod na sampung taon. Hehe. Ang sama ko. ‘Di ko kasi malaman kung pa’no siya pinapatakbo. Saan naman napupunta mga binabayaran ng mga estudyante na pagkamahal-mahal? Eh parang wala namang nadadagdag sa school. Maliban sa mga lokong estudyante at mas marami pang bayarin. Nakalimutan ko, medyo gumaganda rin naman. Pataas ng pataas ‘yung pader. Tapos my barbed wire sa ibabaw. Para kasi ‘di manakawan. Akalain mong may nagnanakaw pa dun? Hehe. Ang mahal ng pagkain dun. Kaya minsan Pepsi, chips saka ‘yung mga nakastick na lang binibili namin at binuburaot namin si Ome. Eh kasi marami naman siyang magbaon. Hehe. Saka ayaw naman namin ng luto sa canteen. Paulit-ulit. Kadalasan lugaw. Tapos magiging sopas. Nagiging macaroni din. Pero parang wala silang mabiling sauce at puro banana ketchup malalasahan mo. Haha! Saka ‘yun na talaga kasi alam niyang (Rommel) makikikain kami. Si Reveena matindi. Hehe. Kaya kung pagtatabihin niyo kaming tatlo, ako ‘yung nangangayayat. Tapos pag-uwian namin, lalakad sa Tungko tas baka kumain uli kami sa Tito Aga’s. Mas masarap pa doon. Sasabihin ko dapat close kami doon sa nagtitinda kaso nakalimutan ko na ‘yung pangalan niya. May crush si Tata dun eh. Hehe.

Um, sayang, ‘di ko nalagay dito sa blog ko ‘yung mga nangyari dati. Ok naman kahit ganun. Nung Valentine’s day nasa Tito Aga’s kami. Um, ‘di ‘ata. Feb. 13 ‘ata. Ayun. May sinulat kami sa tissue nun eh. Masakit pa ngipin ni Rommel noon. Balak ko ngang i-scan saka kuhanan ng pics ‘yung ibang remember(remembrance) namin tapos ilagay ko dito. Pero tinatamad ako. Saka ‘di ko pa siya tapos ayusin. Hindi ko pa nga tapos linisin ‘yung kuwarto ko eh. Nakapatong lahat sa treadmill. ‘Di naman kalakihan kuwarto ko. Tapos dun pa nila nilagay ‘yung treadmill. Nakakainis. Ginagawa nilang bodega kuwarto ko.

(5:38 pm)

Ngayon ko lang uli tinuloy. ‘Di kasi ako makag-concentrate kanina. Haha. Basta. Wala na akong maisip ngayon. Dapat itatanong ko ‘yung seven lions. Pero alam ko na. Haha. Kasi kinakanta nila dati pa ‘di ko naman alam. Nakakahiya. Ngayon ko lang nalaman.

Hehe. Sige, paalam.

Sa tingin ko wala naman akong ikukuwento ngayong araw. Mainit, nakakatamad.

Nagising ako tanghali na, ‘di ko na naabutan mga cartoons sa TV. Pero ayos lang. Basta may internet, solb na ‘ko. Nagpaplano kaming pumunta sa MoA. Pero parang ‘di na matutuloy.

Hatinggabi na. Tapos na ‘ata mga palabas. Naka-text ko si Dexter kanina. Pinag-usapan namin kung ano mga plano namin sa college. Kumuha siya ng scholarship exam kaso hindi siya pumasa. Sayang. Pero marami pa namang iba diyan eh. Gusto niyang sa FEU mag-aral kasi nandun nga ang kanyang minamahal na girlfriend. Sabi ko magastos kung uwian. Maalalahanin kasi ako e. Hehe. Ganyan nga, umupa raw kami ng bahay. Doon daw tumira. Magsama pa daw kami ng iba. Ayaw niya talagang magkahiwa-hiwalay. Haha! Saka sino naman? Ung karamihan ‘ata ay sa Fatima at NCBA na, si Tata sa FERN at si Veena ay sa UPB.

Um, wala na ‘ata akong sasabihin. Oo, ‘ala pa rin akong desisyon. Paalam na muna. Bukas na lang uli. Mood swings? Hehe.