Year End Essay Writing Contest, 2024 - The Chronicles of Norris Skip to content

Year End Essay Writing Contest, 2024

Dalawang araw na lang tapos na 'tong taon na 'to at ang masasabi ko lang ay isa ata yata 'to sa pinakachallenging na taon ng buhay ko (so far) pero grabe rin naman talaga ang self-reflection lalo na kung paano tayo lalaban ulit. Gaya nga ng sabi nila, malayo na pero malayo pa. Or malayo pa pero malayo na?

Ngayong taon ko naramdaman ang epekto ng 2023. As some of you may know, I abruptly left my previous workplace dahil sa napakalalang burnout to the point that my body told me I should already take a break a.k.a. ilang beses akong napabisita sa emergency room. Isa 'yan sa regrets ko kasi ramdam ko I let people down, especially yung mga naging kaibigan ko along the way pero more than that, I failed myself. Pero tapos na siya at nireremind ko na lang ang sarili ko sa sinabi ng naging therapist ko: "It may not be the most glamorous way but you were looking after yourself." Hindi raw maging masama maging selfish.

At dahil wala akong Plan B at the time, grabe yung impact niya sa personal finances ko. Yung employment tumigil pero ang bills, hindi. Hahaha! Buti na lang talaga some of my medical expenses ay nacover ng HMO ng partner ko. I focused my energy looking for a new job earlier this year pero grabe pala ang hirap! I really used to do things on my own but I finally resorted to asking my ex-colleagues to see kung may openings sa kanila. I was able to get few offers but it was really between being an Associate Director for a well-known ad agency and being a Paid Media Specialist for an ad tech company. I really enjoy the people management component ng mga naging trabaho ko pero kung babalikan natin ang lesson in selfishness, downshifting was the best decision. Fast forward, ilang buwan na lang at magcecelebrate na tayo ng work anniversary!

Hindi naman na ako na ER ulit but I've been in several consults this year. Medyo nauga talaga ako na it was initially suspected that I might have lupus. In my mind, shet, ka-level ko sina Selena Gomez. Charot! Sabi naman sa lab tests, mukhang wala naman pero need talaga i-address bakit may lumalabas na sumpa from time to time. Siyempre, nalaman din nating mataas ang cholesterol natin. Ang akin lang ay the fact may nababanggit na akong cholesterol e isa lang ang ibig sabihin no'n - ang tanda ko na, beh. Hahaha!

Sa context na nabanggit ko, hindi naman talaga praktikal na magdagdag ng pets. Ayun, ang ending, lima na ang aso natin. Late na namin narealize na what we've been naming our dogs ay pareho sa mga anak ni Aiai sa Tanging Ina. Sa susunod na lang ako mag-uupdate tungkol kina Juno, Dua, Dimitri, Portia, at Pepe. Naniniwala pa rin akong cotchy yung username na napili ko so follow niyo na lang yung @mgaasoko sa instagram. Haha!

Gaya ng nabanggit ko, I've been caught up with work and narealize ko na ang liit na ng circle ko. Karamihan sa mga kaibigan ko ngayon e kaibigan talaga ni Edison. Hahaha! Hindi ko talaga alam kung paano gumawa ng mga bagong kaibigan as an adult pero target natin next 'yan next year!

Ubos na ulit ang pang-unawa ko kaya gusto ko na itong tapusin. Basta ang goal natin next year ay mas maging healthy, mas maging financially sound, at mas dumami ang kaibigan (quota na tayo sa aso pero who knows?). Nilista ko na para accountable tayo. Malay niyo, December next year, madisappoint ko kayo. Hahaha!

Pero ano nga kasi yun? Malayo na pero malayo pa or malayo pa pero malayo na?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

six − 3 =