Dahil unti-unti nang nagpaparamdam ang pasko sa tuwing lumalabas ako ng bahay, wala akong ibang magagawa kung hindi unti-unti ring i-embrace ang katotohanang malapit na akong maging 23 soon, na may mga mangangaroling na naman, na malapit nang magtapos ang 2013 at ang pinakamasaklap sa lahat, parang hindi na ako puwedeng makipila with cousins para humingi ng aguinaldo. Hahaha! At ano pa nga bang pinakamagandang paraan upang i-feel ang nalalapit na kapaskuhan kung hindi ang magpatugtog ng Christmas songs!
Pero hindi tulad ng mga kantang madalas nating naririnig sa mga pampublikong lugar, ang susunod niyong mapapakinggan ay bihira niyo lang maeexperience. Medyo nakakadismaya nga at hindi ito kasama sa pinapatugtog sa malls, e. Para sa akin lang naman iyon. To each his own, ganyan. Pero mall officials, you know, meron pa kayong time para mag-update ng playlist.
Hindi naman na kailangan siguro ng mahaba-habang paliwanag pa ang mga ito bilang icons na sila of Philippine Movies. Besides, I want you to enjoy these treasures I've found. According to the titles, these were released in the 70s. O 'di ba, around 40 years ago na.
The following are Vilma and Nora’s cover of “I Saw Mommy Kissing Santa Claus”. Cover talaga kasi bagets pa naman dito sina Ate Vi at si Ate Guy. Hahaha!
Enjoy! 😀
Vilma Santos (1970)
Kung hindi mo masyadong alam ang kanta, narito ang lyrics:
I sow mommy keesing Santa Close
Underneath the measle tow last night
She deedn’t semi crip
Down the stirs to have a pip
She taught that I was tuckled in my bedroom
Fass azlipDeny sow mommy teakle Santa Close
Underneath his bird so smole he has
What a fight it could have bin
If daddy had only sin
Mommy kissing Santa Close lass nightWhat a fight it could have bin
If daddy had only sin
Mommy kissing Santa Close lass night(source: chorvaloo.com)
Baka mali lang ang lyrics na naibigay. Kayo naman. Alyssa Alano, there there.
The following year, Nora Aunor also had her version of the song.
Nora Aunor (1971)
Para sa akin nadaig ni Ate Guy yung version ni Ate Vi kung pauntian ng pronownseyshown mistakes ito. Medyo understandable since bata pa sila nung kinanta nila ito. Though based on liveliness at saya factor I think mas nag-excel si Ate Vi.
So in totality, based on my napakauseful at pinag-aralan na criteria, IT’S A TIE!
(Kasama pala sa factors na kinonsider ay ang debateng magaganap kung sakaling mamili ako ng panalo. Hahaha!)
If there is, by any chance, a Noranian or Vilmanian reading this, do you know kung meron silang duet nito? Kung meron, kaninong version ang sinunod? Si Santa Close o si Santa Klaws? Okay, bad joke. Haha!
Good night! 🙂