…para tumigil na kakatalak yung babae kanina sa Jollibee.
Ang haba ng naging araw ko. Traffic pa lang e ubos oras na. Buti na lang nakarating ako before 8 sa PGH. Minus the details, depressing at nakakastress yung eksena do’n sa ward 1. Goal talaga ang magstress debriefing sa bahay, ganyan.
Pero kahit halos 11pm na ako umalis sa ospital, ang bigat pa rin ng traffic. Buti na lang at may dala akong earphones at medyo inaantuk-antok na ako kaya hindi ko na siya masyado napansin/pinansin. Yun nga lang bigla kong naramdaman na nagugutom ako kaya naisip ko na mag-Jollibee muna bago ako sumakay ng tricycle pauwi.
At yun na nga, ang kuwento ko sa Jollibee. Mahaba ang pila at off ang POS/cash register. Habang hinihintay ko ang aking turn para umorder, napansin ko ‘tong grupo na ito. Nakaw ng atensyon si ate sa ingay niya. Yung ingay na siya yung dapat bida sa grupo nila.
Anyway, dumating ang order nila pero may mali. Spicy dapat yung chicken pero yung regular lang ang nabigay. Yung spoon and fork e hindi rin ‘ata maayos. Nagstart na siya mag-ingay. Napakasupportive naman nitong friends niya at tumawa na lang imbis na magrequest ng kapalit in a diplomatic way.
Habang pinapalitan ang pagkain at utensils, biglang pabida si girl. “Papatawag ko yung manager nito.” Pinatawag nga niya at more more siya sa pagenglish with her very fake and trying hard accent. Nagsorry itong si manager at nagmove on ang mga tao. Problema ay hindi siya kasama.
Kumpleto na yung order nila pero may pahabol pang complaint si ate. May ketchup daw ang gravy. I’m not sure how can that be possible but I guess it happens. Tinawag ulit ang manager, dinaan ulit sa choppy na ingles. Si manager naman ay wala namang ibang puwedeng gawin kung hindi magpakumbaba.
Ang naiisip ko no’ng time na ‘yun e yung mga nararattle na empleyado, yung mga pasyenteng nasa ospital, mga gano’n. Sobrang nairita ako kay ate kasi there could have been better ways to address the problem. Puwede rin namang huwag kayo sa Jollibee kumain. Go eat at a fancy resto with your friends bilang yun naman ‘ata ang gusto mong i-peg. Hindi ka naman po kaya ganders.
Ayun lang. Sa mga tao, especially yung mga motorista at customers na napakawarfreak, be thankful na hindi tuloy ang doomsday. Pero sana mag end of the world na lang yung kasamaan ng mga pag-uugali niyo. Haha!
Ako’y nagrant. Haha! Good night.