SA WAKAS. - The Chronicles of Norris Skip to content

SA WAKAS.

Kumpara kahapon, mas maaga akong magpopost ngayon dahil ang sakit na ng ulo ko. Kung ang huli kong linya kagabi e ang abnormal ko na, mas mabnormal ang araw na ito. Mula kagabi hanggang kaninang hapon e hindi ako natulog dahil sa pagnanasang may mapapala ako kanina. Sa kinasawiang palad, sawi talaga. Wala. Konsumisyon at sakit lang ng katawan inabot ko buong maghapon.

Bandang 8 ng umaga, nagpaalam ako sa nanay ko at sinabi kong pupunta ako ng NBI. Yun nga lang, kung kailan mo naman kailangan ng internet connection saka naman wala. Bale ligwak na talaga yung plano mag NBI at sinamahan ko na lang si Ome sa Maynila para asikasuhin yung OJT niya. Sabi ko na lang e samahan niya na lang din ako sa PhilHealth pagbalik. Boy scout ako kanina. May dala akong jacket, payong, at lahat ng ID na puwede mong dalhin.

Pagkita namin ni Ome ay sinalubong niya ako agad ng balitang may LBM siya. Hahaha! Kaya bumili muna kami ng pagkain saka gamot bago kami maglakbay. Gusto kong tawaging paglalakbay yung ginawa namin kasi 8:30 kami umalis at bandang 10am na kami nakarating ng Manila. Idagdag mo yung feeling na nararamdaman mo na yung antok mo tapos mainit tapos ang sikip sa bus. Langya.

Bumaba kami sa Quiapo. E ang Rommel pala e hindi matandaan ang direksyon papunta sa school. Huwag na raw akong umarte dahil ako nga nga ‘tong sumama. Napakagandang katwiran di ba? Hahaha! Sinundan ko na lang siya ng sinundan at nagulat na lang ako na nasa bungad na ako ng Divisoria. Haaay.

Pagdating namin sa kailangan niyang puntahan, e mukhang nakaprepare na yung dialogue nung kakausapin niya. Itetext na lang daw sila. Kesyo may bagyo pa raw at delikado ‘ata magbarko barko. Sabi ko na nga ba’t tama ako na sa summer na lang siya magOJT. Hahaha! Pero ang katotohanan niyan e nashock ako. Bigla ko uling inisip kung gaano kami katagal naglakad. Tanghaling tapat na kaya wagi na rin yung init.

Kumain muna kami ng tanghalian kahit parang mga wala na kaming gana. Tumawag si Veena at nangamusta. Sabi ko nagdadasal ako sa Quiapo kasi feeling ko dapat ganun na ginagawa ko nung moment na yun. Haha. Napag-usapan namin na sa PhilHealth sa Quezon Ave. kami pupunta bago kunin yung uniform niya sa may PMI.

Sa biyahe, halos di na malarawan ang struggle ni Rommel. Mas nagstruggle pa kami no’ng may sumakay na kano sa FX. Jusko. Chili con carne yung amoy, friends. Buti na lang at hindi masyadong mahaba yung biyahe.

Pagdating namin sa PhilHealth sandamakmak na papel ang nakadikit sa pader na nagsasabing hindi sila nagpiprint ng ID. Halos magunaw ang mundo ko. Naging malinaw ang lahat. Walang silbi yung mga dinala ko. Hahaha!

Pagkuha naman ng uniform ni Rommel e halos wala na talagang energy. Nabanggit niyang iniimbita pala kami ni Veena sa Eastwood. E ayun, wala na talaga. ‘Pag iniisip ko ngayon kung ano kayang mga naganap kung tumuloy kami e naiimagine kong naglabas na ako ng sama ng loob at si Rommel naman ay “naglabas ng sama ng loob.” Gripo levels daw.

Pagdating ko sa bahay e iba yung tuwa na naramdaman ko. Sa wakas e makakatulog na ako. Ayun, nagising na naman ako ng maling oras. Medyo masama na yung pakiramdam ko pero kailangan ko talagang maligo dahil nanlilimahid na ako. Hahaha! Baka matulog na lang ako pagkatapos dahil parang tanga naman kung uulitin ko uli yung ginawa ko kanina.

Kakatapos ko lang pala iset-up yung domain ko. Kaya yan. Resulta ng pagiging impulsive. Lagi kong ipipilit sa sarili kong ayos lang kasi good for 1 year yan. Haha.

First time ko ‘ata magbabanggit tungkol kay SO (Significant Other). EEE HAHAHA. Kainis. Hahaha! Nagtatampo na raw siya kasi hindi raw ako nagsasabi tungkol sa kanya. E kasi hindi ako showy, ganun. Hahaha! NAIINIS AKO ANG ARTE KO HAHAHAHAHA.

Good night! 🙂

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

13 + 15 =