Kung bakit ayaw mo magpaluto ng pancit canton kay mother. - The Chronicles of Norris Skip to content

Kung bakit ayaw mo magpaluto ng pancit canton kay mother.

Cooking show ang peg ko kapag nagluluto. Alam mo yun, dinedescribe ko yung bawat ingredients (in english) tapos dapat may timer talaga ako para “perfect” kunwari yung recipe. Wala akong pakialam kahit Lucky Me! Pancit Canton lang siya. Dahil madalas e carried away ako sa mga eksena e nakakalimutan ko na maghugas ng mga ginamit ko. Hahaha! Kaya medyo may pagsusungit si mother nang very light lang naman with matching dialogue na: “Ako na nga lang magluluto, manggigitata na naman dito sa kusina!” O, manggigitata is the #word.

Ngunit may siyang ginagawa sa aking pinakamamahal na pancit canton at instant noodles: Binabawasan niya yung ingredients! Okey lang kahit wala na siyang timer and all pero hindi ko matanggap na binabawasan pa niya ang mga seasonings na pagkaunti-unti na nga. Hahaha!

One time ay ginawa niya ito sa aking beef noodles at medyo kulang sa alat ang lasa.

Norris: Binawasan niyo ba yung powder?

Mother: Huwag kang masyadong magkakakain ng maalat, masama sa bato (kidneys)!

Yes, ang main concern ng aking ina ay kalusugan. Pero dahil you only live once, gusto ko kung ano ang nakalagay sa maliit na sachet na iyon e magagamit lahat. Sorry girls and boys, ganyang level lang yung #YOLO ko. Haha! Minsan naaabutan ko pa yung kalahati ng seasonings at binubuhos ko sa noodles sabay tawa. Siyempre joke lang yung tawa.

Pinaliwanag ko sa kanya na yun na nga yung serving suggestion kaya huwag niyang bawasan pero siguro ay magkasing kulit talaga kami. Kaya minsan game of survival (ng seasonings) ito. Hahaha! Suwerte mo na lang kung puwede pang isalba yung noodles o talagang wala kang magagawa at kailangan mong kainin yung “healthier” version nito.

Ang hindi ko lang matanggap masyado kanina ay nagpaluto ako ng apat na pancit canton at ang nilagay niyang seasonings ay pang-tatlo lamang. Nalasahan ko talaga na may kakulangan. Haha! Nakakadiri* mang isipin, chineck ko talaga yung basurahan at nakita ko doon ang hinahanap ko. This time natawa na talaga ako. Umabot talaga ako sa basurahan. 🙁 Pero I won. Hahaha!

*Ang pangdidiri sa aking ginawa ay nakadepende sa uri at dumi ng inyong basurahan. I loved my pancit canton and that’s all that matters to me.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

four × 4 =