Hindi pa huli ang lahat. - The Chronicles of Norris Skip to content

Hindi pa huli ang lahat.

Kamusta na? Mahabang panahon na akong hindi nakakapag-update at mahabang panahon na rin pala akong nagba-blog. Mahigit na palang isang taon. Pero, kung mapapansin niyo, napakaunti pa lang ng napopost ko na parang isang linggo lang ginawa. Hindi dapat ganito. Pero sa 'di malinaw na kadahilanan eh binura ko lahat ng entry at saka ko lang nalaman na 'di pala lahat ay nagawan ng kopya. Pero para hindi naman kayo mahuli kuwento ng aking buhay, aking ipapaalala ang mga nangyari sa mga nakaraang buwan.

  • Nanakawan ako ng cellphone at wallet nang walang kalaban-laban. Hindi ako naholdap. Naiwan lang kung saan. Tinawagan ko 'yung number ko at may sumagot naman. "(Galit) Hindi kita maintindihan!" 'Di ko malaman kung bakit siya pa 'yung galit eh siya na nga 'tong nakakuha. Basta, kahit 'yung 3310 lang 'yung nawala eh nalungkot ako dahil iba 'yung sentimental value nun. As in parang elem. pa lang ako gamit ko na 'yun. Kahit pabagu-bago ako ng telepono eh hindi ko siya pinalitan. 'Di na rin ako nagwallet simula nun (at hindi rin ako sanay magwallet noon pa).
  • (Medyo matagal na 'to.) Nasapak ako sa lansangan pero hindi naman dapat. Pero sa awa naman ng diyos at nung kasama ng sumapak sa akin,  hindi naman ako nagkaroon ng pasa, bukol, black-eye at kung anu-ano pa. Nagsorry naman sila at wala naman akong nasabi kung hindi ayos lang kahit hindi talaga. Imagine, magpapaload lang sana ako at may mga nakasabay na nagbibisekleta din. 'Yun dalawang 'yun pala ang target ng mga nakapula sa tricycle.
  • (Kailan lang) Nakasali ako sa isang play sa FEU. Hindi ako nag-audition. Inalok lang kaming sumali. Hindi naman siya major role kaya ok lang. Bodyguard ang role namin. Nakatayo lang at ad lib lang. Pero nang lumaon eh palala ng palala ang role ng bawat karakter at natapos kami sa pagiging mga bading na bodyguard. At nakasando lang ako.

Bukod diyan, wala na akong ibang maalala na pangyayari. Update ko na lang siguro sa susunod.

Ngayon-ngayon lang, may nakapasok sa loob ng aming lugar na binatilyo na 'di malaman kung nasa katinuan ang utak. Nagulat na lang ako dahil narinig ko ang aking ina na pinapalayas ito. Hehe.

At ano ang dahilan ng aking muling pagbablog?

  • Bakasyon na, at nandito lang ako sa bahay. Imbis na magbrowse lang at tumunganga buong araw, bakit hindi kaya ako magkuwento at ibahagi ang aking karanasan?
  • Ayokong matuyo ang aking utak. Kaya aking gagamitin ang aking pinag-aralan. Masscom pa naman ang kinuha ko.
  • Magkaroon ng maraming maraming kaibigan o kaya kahit marami lang. Sige, kahit 'di na marami. Sa tinagal-tagal ko sa pagba-blog eh wala pa akong nakikilala at natatagpuang kaibigan. Hanggang basa lang ako.

At 'yun lang naman. Maging produktibo man lang sana ako o kahit ang blog lang na ito ngayong bakasyon. 🙂

Simulan na ang pagbabago. (Parang commercial lang.) Pero 'di ko aalisin ang mga ilan kong post para malaman niyo kung gaano ako kapait at kadrama sa buhay noong bata-bata pa ako. Saka sayang naman. Alaala din.

Hanggang dito na lang muna. Paalam.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

nineteen − seven =