FLASH DRIVE, SAMPUNG PISO LANG. - The Chronicles of Norris Skip to content

FLASH DRIVE, SAMPUNG PISO LANG.

Kung ang hinahanap niyo e ang mga nakakainspire, nakakatouch at nakakainlab na mga sulatin e ngayon pa lang itigil niyo na ang pagbabasa. (Nagsusuplado.)

Bakit kaya ang daming problema ng Pilipinas?

Bakit madami din akong problema?

Bakit kasi kung kailan ko nakita ang flash drive na iyon e yun din ang magiging araw na mawawala iyon? Buti na lang kung masasapak na lang uli ako sa kalsada at mahuhulog iyon. May drama pa hindi ba?

Pero hindi e.

Nagambala ang aking pagtutunganga at pagpapakatamad sa bahay. Inutusan kasi ako ni ama ni i-type ang kung anu-anong nakakadugo ng ilong para dun sa trabaho niya. Parang treasurer (treysurer sabi ni ina).

Pagbabaalik tanaw. (Pagpapakita ng mga larawan sa saliw ng kantang Ngayon at Kailanman.)

Alam niyo bang ang tinapos ng mga magulang ko e accountancy at psychology? Alam niyo rin bang sa dalawang subjects na ito mababa ang marka ko? Sana tinuruan nila ang magkompyut at gumising nang maaga. Haha!

Balik sa kasalukuyan.

Habang tinatype ko iyon e naisip ko ‘ata lahat ng problema ng Pilipinas. At hindi pa maayos ang kain ko nun dahil di ko nagustuhan ang nakahanda sa mesa at nagluto pa ako ng sarili kong pagkain at binuksan ko pa ang lata ng uric acid. Este sardinas. Wala pang ibang tao sa bahay.

…At dahil ayoko namang ikuwento lahat ng bagay ay ikukuwento ko na lang kung ano talaga ang nangyari.

Ipinaprint ko ang tinayp ko dahil walang ink ang aming printer. (Lagi lang nagtatanong si ama tungkol sa ink pero ‘di naman nakakabili. Haha!) Wala pa akong ligo nun. Marami pang tao doon pero ok lang dahil parang lahat naman kami ay mukhang wala pang ligo. Haha! Biro lang. Nagmadali na ko dahil mainit at ano nga naman ang gagawin ko doon? Kailangan ko bang i-cheer ang mga naglalaro at nakikipagchat doon? ‘Di ko makuha ang mithiin nung una pero ung huli e ok pa.

Nilagay ko sa bulsa ko ang flash disc. Nagscooter pauwi ng bahay. Pagdating ko dito, kinapa ko ang aking bulsa. Tumagos ang aking kamay. Butas pala.

Binuksan ko ag taguan sa likod ng scooter at nagbakasakaling nandoon. Pero wala. Wala na. Bumalik ako sa aking mga dinaanan upang magbakasakaling may makitang durog durog na plastik. Dinaanan ko uli ang computer shop pero di na ako nagtangkang pumasok at magtanong dahil mas dumami ang taong mukhang di pa din naliligo. Hehe.

Naiinis ako dahil nawala siya dahil sa pagpapaprint nun. At sampung piso lang ang halaga niya. Naisip ko, sana ‘yung bulok na flash drive na lang dinala ko.

Wala akong mensahe sa nakapulot o nakadurog nun.

…At sa susunod na lang uli. Kailangan ko pang maghapon ng mga baka.

Kung tatanungin niyo kung naging produktibo ang aking buhay ngayong bakasyon e oo naman ang isasagot ko. Marami akong nakuhang kalyo. Nagkasugat din ako. Hehe.

Paalam.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

1 × 1 =