Dear Diary,
Successful ang aming christmas party! 🙂 Kahit sobrang nastress ako sa pagpigil ko sa aking control freak self. Haha! Siguro nga ay hindi talaga kaming puwedeng maging tahimik kapag may kasiyahan. Hahaha!
2pm kami nagcheck in ni A. Imimeet ko na rin sana sina Jill and Ayi kaso wala pa sila sa venue kaya umalis na rin ako para pumasok sa school. Haggard na haggard lang yung pakiramdam na babiyahe ka from Pasig to Recto via jeep. Buti na lang at hindi ako late/absent at okay naman ang aking performance. Nakipagkita ako sandali kina AA at Mae. Nakakatuwa kahit ang dami ko talagang ganap. Hahaha!
Halos 9pm na ako nakarating TriNoma galing school. Doon ako nakipagkita kina Chloe, Vero at Gary para sabay-sabay umalis. Pero medyo nadelay kasi bumili pa kami ng gift. ‘Di ba, parang ewan lang yung preparation. Hahaha! Mga bandang 10, nakarating kami sa Megamall at do’n namin pinuntahan sina Bryan atbp. Bumili na kami ng pagkain dahil wala pa palang ganap doon sa hotel room. Kamusta naman? Haha!
11 na nagstart ang “party” at malayung-malayo sa original plan na 6pm. Hahaha! Dumaan din sandali si A at nameet ulit ang barkada ko. Busy e. Pero nag-enjoy naman kami dahil sa mga pakulo nila tulad ng paglalaro ng Dr. Kwak kwak at ang Dirty Santa. Medyo kailangang wala kang puso sa Dirty Santa na iyan dahil may konsepto ng nakawan. Hahaha! Very wrong yung pag-inom ng alak kaya hindi ako uminom. Haha! Gising ang karamihan hanggang umaga. Yung iba hindi na talaga nakatulog gaya ko at si Gary.
First time kong/naming makita si Gary na sobrang nanggugulo. Dahil sa kakulitan niya namatayan ng kuko si Vero. Grabe. Hahaha! Naitago niya rin yung isang GC (isa do’n sa mga regalo). Naitabi niya lang daw pero tagung-tago. Hahaha! Unti-unting umuwi yung iba no’ng umaga. Yung mga natira e dumiretso e nagcheckout at pumunta sa megamall para kumain. Inabot kami ng hapon at nagdecide na rin umuwi. Pero ako bilang kaladkarin ay nagstay at mineet ulit sina Pison at Conrad dahil sila ay magshshopping. So ayun, sila fresh na tapos ako haggard na haggard na. Seryoso feeling ko babagsak na ako anytime.
To cut the story short (dahil tinamad na ako kasi very chronological talaga ang storytelling ko hahaha!), sa bahay ng kaibigan ako nagstay para makitulog. Haha! Mali na naman ang body clock ko at ginagawa ko ito while trying to sleep. Anyway, nag-enjoy naman ako in general. Sana maulit muli. Pero depende. Haha!