Christmas Carols, Doomsday at Saloobin sa Miss U. - The Chronicles of Norris Skip to content

Christmas Carols, Doomsday at Saloobin sa Miss U.

Late ako nagising kanina at siyempre pagbukas ko ng twitter at facebook ay sandamakmak na spoiler at comments ang aking nabasa. Maliban sa disappointment e proud na proud ang mga tao dahil a Filipina made it again to the top (tough) 5. 1st runner up pa! Pero kasi nga sayang. Kinulang sa kembot. Keme.

Hinintay ko talaga yung replay para lang ma-feel yung balita. Hahaha! Naalala ko yung time na nakipag-inuman ako with Gary and AA at iba pa nilang friends. Tahimik yung iba at first pero noong Miss Universe na ang topic, pak! Hahaha!

Medyo OP na ako noong very comprehensive na yung research na pinag-uusapan nila. Siyempre nangunguna si Gary na from time to time nagququote ng info from missosology. Hahaha! Pero ayun nga, they already knew that Janine had a big chance to win the crown. Natatawa ako ‘pag naaalala kong iyan talaga yung pinag-usapan habang lumalaklak ng alak. Ang sakit sa ulo. Hahaha!

Gaya nga ng sabi sa balita kanina, we should be proud of Janine Tugonon. Kahit na she didn’t win the title, she was able to show and prove everyone na ang Filipina ay maganda at matalino.

For sure bitter pa rin at hindi pa nakakamove on ang iba diyan. Huwag daw kumain ng Spam for 1 year. At siyempre huwag daw muna paayos sa mga beckler at baka ikachapter niyo. Hahaha! Naka half-mast pa raw ang mga parlor as of the moment. Hahaha!

—————

Ang daming patola sa konsepto ng end of the world ngayong December 21. (Apparently ako rin dahil sa pagsusulat nito.) Yung iba, dinidisprove at nagbibigay ng ibang date. Tantanan niyo na lang please. Haha! Yung iba naman kung makapagbigay ng pamamaalam at tribute e ramdam na ramdam talaga nila. Sana nagresearch kayo or tinanong niyo si Gary kung anong timezone ang dapat sundin. Haha! Oh well… Kung totoo sana ‘yan e ‘di sana… *lumindol at biglang nilamon ng lupa si Norris.*

Wala lang. Umay ang timeline my friends. Sorry to tell everyone pero hindi pa talaga end of the world. Gagraduate muna ako.

—————

“Heal the world… Make it a better place…” Ganyan na lang sana ang kinanta ng mga carolers kanina para hindi lang 5 pesos yung binigay ko. And sana maramdaman nila yung song. Hahaha! Seryoso, bakit gano’n na ang mga bata ngayon? Sorry sa mga magulang nitong mga batang ‘to pero ang sarap nilang batukan. Haha!

Sige, pagbigyan na natin yung nag-iisang medley sa caroling pero pa’no ‘pag dalawang kanta lang? As in after ng “sa may bahay” at “we wish you a merry christmas” e wala na? Sisigawan ka pa ng “NAMAMASKO PO!” Hello, ‘di ko alam na namamasko kayo, kids? Dalawa lang yung songs tapos makapagdemand kayo akala niyo Aegis yung kantahan ninyo. Bwiset. Hahaha!

So palabas na ako ng bahay at bigla akong may narinig… “…ang babait ninyo, pakyu!” Hahaha! Aba, pumasok ulit ako ng bahay. (Suplado lang. Haha!) Kumanta sila ulit pero gano’n pa rin ang playlist e. Bago ko inabot ang limang piso, pinagsabihan ko muna sila. Hahaha!

Ako: *kalmado* Sino yung namamakyu sa inyo? Ha?

Bata 1: *tinuro yung isang bata* Siya po…

Ako: *sinubukang tingnan yung bata pero masyadong madilim* E pa’no kayo bibigyan kung ganyan kayo?

Tahimik na umalis yung limang bata… Bumalik ulit sila after a while pero hindi ko na pinansin. Kahit madilim at nagpalit kung sino kakanta alam kong sila ‘yon kasi dalawa lang talaga yung alam nilang Christmas song.

Hindi ko rin naman masyado naexperience ang pangangarol(ing) no’ng bata ako. Pero naenjoy ko naman kahit isang bahay lang ‘yon. Haha! Pero yung feeling na maghahanap kayo ng lata tapos bato lang yung pamukpok kasi wala kayong drumsticks e masaya. Natatandaan ko pa no’n ako ang tagahawak ng lalagyan ng pera. Hahaha! Hindi lang dalawa kanta namin no’n kaya naeenjoy/naririndi talaga nung mga tao yung pagkanta namin kaya magbibigay talaga sila.

Dalawang piso lang yung inabot. E lima kami.

Dumiretso na ako ng uwi pagkatapos no’n. Hahaha! Magkalapit lang naman kasi yung bahay namin. In my defense, okay na kasi ako ro’n sa experience. I think I know what it is like. Haha! Kaso ayoko namang makihati do’n sa mga friends ko kaya hindi na lang ako sumali. Sayang naman kung kakanta lang ako. Hahaha! Hindi ko alam kung magkano ang kinita nila noong gabing iyon. Hehe. Bigla kong naisip kung nasaan na nga ba yung mga kalaro ko dati. Syet, ang tanda ko na.

Ang dami kong sinabi. Good night na! Haha!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

13 + six =