Chikiting Gubat. - The Chronicles of Norris Skip to content

Chikiting Gubat.

Hindi ko sure kung case lang siya ng Monday blues pero nagising ako na weird yung feeling dahil sa naging panaginip ko. Mas naniniwala ako sa science pagdating sa ganito, na walang meaning ang mga panaginip at ginagawa lang ng utak natin na bumuo ng random na narrative. Pero sobrang curious ko sa lahat ng puwedeng maging kwento, medyo nauga ako kasi may flashbacks.

Dumating daw sa Pilipinas yung isa sa mga childhood playmate ko at dito na raw siya maninirahan kasama yung anak niya. (Siya yung pinaka-cool kong kalaro kasi lahat ng laruan meron siya, umabot pa kami sa point na naghihiraman kami ng installers ng games sa PC.) Nagkaroon kami ng reunion at nililibang namin yung bata. Literal na catch up ng dating magkaibigan, platonic pa sa platonic. Dumating yung nanay niya na para bang may disapproval kung bakit ako nandoon, as if may dala akong kung anong nakahahawang sakit.

Doon nag-flashback lahat. At doon din natapos yung panaginip.

Bilang pinalaki sa medyo conservative na environment, nakagisnan kong maging 'reserved' at maging 'proper' sa halos lahat ng oras. Playing by the rules, kumbaga. Bawal kang may maoffend (maliban sa sarili mo). Malamang sa malamang ay ise-save ko na lang yung maraming details for a therapy session pero feeling ko nagpaparamdam yung inner child ko.

Sobrang tagal na panahon na nito pero natatandaan ko yung isang kamag-anak namin, sabi sa tatay ko,

"Sana huwag lumaki nang ganito yung anak ko".

Wala na siyang sting ngayon, tingin ko. Higit namang naungusan ko yung anak niya. Pero isipin mo, as a musmos, wala ka naman dapat na bitbit na gano'n. Siguro subsconsciously, kaya rin siguro ako "achiever" no'ng bata ako para masabing may bawi ako. Natuto tayong magbago ng behavior, putulin yung mga naglilink sa mga taong hinuhusgahan ka. Kaya siguro ako pagod na pagod as an adult. Charot!

Do'n sa identity crisis na part, naisip ko - kanino ba dapat ako nagkagusto no'ng bata ako? I don't think I ever liked guys? Dapat ba sumali ako sa maraming text clan? Dapat ba pumasok ako sa PBB teens? Hindi ko masabing pagsisisi pero ano bang mafifeel ng inner child ko if I only explored knowing myself better?

Anyway, napakaraming taon na ang lumipas at nasa punto na ako na wala na tayong ibang masasabi kung hindi, oo late bloomer nga siguro tayo. (Yup, kinda sorta coming out.) Sobrang symbolic kung iisipin na may moment noon na nagpepretend akong bulaklak habang suot ko yung deflated na salbabida sa leeg ko. Hahaha! Siguro ito yung version ko ng healing my inner child, being with someone who sees me for who I am, including yung bouts ng identity crisis (at ng baby fever oh my god).

Para sa batang ako: Akong bahala sa 'yo. Kung may part two itong panaginip natin, hindi na tayo mageexplain, ipapakagat na lang natin bigla yung sa mga aso natin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

19 − seventeen =