(Acheche!)
‘Yan yung sabi sa akin. Iba kasi yung resident doctor kanina kaya malay ko kung ano ba talaga nais nung doktor ko nitong Sabado. Wala namang nakita sa urinalysis. Sa dugo, medyo bumaba raw yung platelet count ko pero nasa normal range pa rin naman kaya ituloy ko na lang yung antibiotics tapos uminom ng maraming maraming tubig.
Sandali lang ako sa ospital. Tapos dumiretso ako sa Chicboy. Manok, iced tea, Halu-halo. Hala, sige! 😐 Hahaha!
Hindi pala ako tinurukan ng injection no’ng kinuhanan ako ng dugo. Lancet ang ginamit pero parang mas nasaktan ako. Feeling ko ang lalim nung karayom. Iba ‘yung hapdi e. Hahaha! May galit ‘ata sa ‘kin yung MT.
Palya ako sa pagtulog ng maaga kagabi. Sana ngayon naman hindi. Gusto ko na pong maging normal. Haha!
Good night!