Good morning. :)) Blog agad e. Walang magawa.
Natutulog pa kasi ako. E yun, nagising kasi ako dahil may tumatawag sa telepono ko. Taga-call center.
Pagsagot ko...
Tumatawag: Hello, this is... You were referred by... *nosebleed*... I will conduct an interview, it will only take about 5 minutes. Is it okay with you?
Ako: *pinapagana ang utak sabay hikab* OK po.
Tumatawag: Your name is Norris, that's N-O-R-R-I-S. And your last name is bleep bleep, bleep bleep bleep bleep bleep. Could you please state out your middle name?
Ako: bleep.
Tumatawag: That's bleep bleep bleep bleep bleep.
Ako: Bleep. Este yes.
Tumatawag: (Basta nagi-english siya habang ako e inaantok pa. Nagtanong tungkol sa school, mga ganyan.)
Ako: (Sumagot din naman ako ng sabog sabog na english.)
Tumatawag: Could you please count 1-20 so I could hear your pronunciation?
Ako: Okey. One, two, thrree, four, five, six, seven, eight, nine, ten. *napatihimik sandali, iniisip ang kasunod na number* eleven, tuwelve, thirrteen, fourteen, fifteen, sixteen, seventeen, eighteen, nineteen, twenty.
Tumatawag: Please don't roll out your tongue. Please repeat three.
Ako: Thrrree.
Tumatawag: That's silent th. Again.
Ako: (Silent TH?!) ThrEE.
Tumatawag: Thirteen.
Ako: Thirrteen. thirtEEn.
Tumatawag: Seventeen.
Ako: SeventEEn.
Tumatawag: Twenty.
Ako: Twenty.
Tumatawag: CONGRATULATIONS NORRIS. TANGGAP KA NA. MATATANGGAP MO NA ANG HINIHILING MONG SLR CAMERA SA HARAP NG INYONG PINTUAN.
Siyempre joke lang.
Ang dami niyang tinanong. Sa sobrang dami nakakatamad ng magkuwento. Nagugutom na kasi ako e. Haha!
Tumatawag: If you were given a chance to have a date with one celebrity, who would it be and why? (E tanong pala sa beauty pageant ito.)
Ako: Marian Rivera?
Tumatawag: Why?
Ako: So I would know why many people hate her?
Tumatawag: *tumatawa ng may english accent* (Sinabi niyang akala niya raw may crush daw ako kay Marian.)
(Pero iniisip ko, maganda saka mabait naman siguro si Marian Rivera.)
Tumatawag: What one question would you ask her?
Ako: Um...who is Marian Rivera? (Ipasa natin ang tanong sa beauty pageant. Hahaha!)
Tumatawag: And what do you think she would answer?
Ako: I have no idea. (E malay ko naman talaga.)
Tumatawag: (Basta pinapili niya ako ng schedule, 1 o r 3 daw)
Ako: Thrree po.
Tumatawag: Three.
Ako: rEE.
Tumatawag: (Ang dami niya uli sinabi, ung lugar at kung anu-ano pa. Hindi ko alam kung sinabi niyang itext ko raw siya o itetext niya ako. Basta di ko alam 'yung number niya. Basta kailangan kong magpunta dun bukas. :|)
Ako: Okay. *dilat ng mata*
Ang joke lang kanina. Wala lang.
Hanggang ngayon pinag-aaralan ko pa rin bigkasin yung three. Haha!
Para namang nakakabother 'yung mga sinusulat ko. =))