Dahil unti-unti nang nagpaparamdam ang pasko sa tuwing lumalabas ako ng bahay, wala akong ibang magagawa kung hindi unti-unti ring i-embrace ang katotohanang malapit na akong maging 23 soon, na may mga mangangaroling na naman, na malapit nang magtapos ang 2013 at ang pinakamasaklap sa lahat, parang hindi na ako puwedeng makipila with cousins para humingi ng aguinaldo. Hahaha! At ano pa nga bang pinakamagandang paraan upang i-feel ang nalalapit na kapaskuhan kung hindi ang magpatugtog ng Christmas songs!
Pero hindi tulad ng mga kantang madalas nating naririnig sa mga pampublikong lugar, ang susunod niyong mapapakinggan ay bihira niyo lang maeexperience. Medyo nakakadismaya nga at hindi ito kasama sa pinapatugtog sa malls, e. Para sa akin lang naman iyon. To each his own, ganyan. Pero mall officials, you know, meron pa kayong time para mag-update ng playlist.
Hindi naman na kailangan siguro ng mahaba-habang paliwanag pa ang mga ito bilang icons na sila of Philippine Movies. Besides, I want you to enjoy these treasures I've found. According to the titles, these were released in the 70s. O 'di ba, around 40 years ago na. ...continue reading "Who sang it better: Nora Aunor vs Vilma Santos"